Amin Baco matagal nang patay ayon sa AFP

By Den Macaranas November 06, 2017 - 06:50 PM

Inquirer photo

Nilinaw ng Armed forces of the Philippines na matagal nang patay at hindi totoo ang mga lumabas na report na ang Malaysian national at teroristang si Amin Baco ang bagong lider ng ISIS at Maute group sa bansa.

Sinabi ni AFP Spokesman MGen. Restituto Padilla na wala nang lider ang nasabing teroristang grupo makaraang mapatay ang Maute brothers at ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon.

Naniniwala rin ang opisyal na matagal na nilang napatay ang Malaysian terrorist na si Amin Baco bago pa man mapatay ang mga lider ng teroristang grupo na lumusob sa Marawi City.

Kaninang umaga ay sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa na si Baco ang bagong Emir ng ISIS sa Pililipinas.

Samantala, tiniyak naman ni Padilla na wala ng impluwensiya sa kabuuan ng Marawi City ang mga natitirang stragglers ng teroristang grupo.

Kanina ay nabawasan pa ang kanilang mga kasapi makaraan mapatay ang siyam sa kanilang hanay.

TAGS: AFP, Amin Baco, Emir, ISIS, marawi, Maute, Padilla, AFP, Amin Baco, Emir, ISIS, marawi, Maute, Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.