P107 Million na halaga ng luxury vehicles nasabat ng BOC

By Alvin Barcelona November 06, 2017 - 06:31 PM

Photo: Alvin Barcelona

Umaabot sa 18 mga magagarang sasakyan na nagkakahalaga ng P107 Million ang nasabat ng mga kagawad ng Bureau of Custom (BOC).

Ang mga nasabing luxury vehicle ay magkakahiwalay na dumating sa Manila International Container Port  noong Kktubre 13 hanggang16.

Kabilang dito ang labingdalawang Toyota Land Cruiser, tatlong Range rover, dalawang Chevrolet Camaro at isang Mclaren Supercar na pinakalatest na modelo.

Kinumpiska ang mga ito dahil undervaluation at kakulangan ng documentary requirements mula sa Bureau of Internal Revenue.

Ayon kay Customs Commisioner Isidro Lapeña, ito ay tahasang paglabag sa alituntunin ng BOC sa importasyon dahil alamm ng mga trader kung ano ang mga kailangan para makapagpasok ng luxury vehicles sa bansa.

Dahil dito, nagbabala si Lapeña na huwag lumabag sa custom laws kung ayaw nitong managot sa batas.

TAGS: BOC, lapeña, luxury vehicles, smuggled, BOC, lapeña, luxury vehicles, smuggled

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.