CJ pinayuhan ni Roque na mag-resign para maisalba ang integridad ng SC
“Mag-resign ka na”.
Ito ang naging payo ni Presidenial Spokesman Harry Roque kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Roque, malinaw kasi na gusto rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapatalsik sa puwesto ang Punong Mahistrado.
Sinabi pa ni Roque na ang pagbibitiw sa puwesto ni Sereno ang pinakamabisang paraan para hindi na malagay sa matinding kahihiyan ang sangay ng hudikatura.
Hindi aniya kakayanin ng hudikatura na malagay na naman sa panibagong kahihiyan kung mapapatalsik si sereno gaya ng pagkaka impeach noon kay dating Chief Justice Renato Corona.
Kumpiyansa si Roque na mapapatalsik ng Senado na tumatayong impeachment court si Sereno dahil matitibay ang ebidensyang nakalakip sa impeachment complaints na inihain ni Atty. Larry Gadon.
Paliwanag ni Roque, bilang dating miyembro ng House Committee on Justice, nabasa niya ang reklamo laban kay Sereno.
Nilinaw naman ni Roque na ang kanyang pahayag ay hindi pakikialaman ng ehekutibo sa hudikatura kundi pagkokomento lamang sa impeachment complaint.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.