Muling magpapatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis bukas ng umaga, November 7.
Sa advisory ng Department of Energy aabot sa P0.90 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, samantalang P0.75 naman sa diesel at P0.55 sa kerosene o gaas bawat litro.
May kaugnayan pa rin ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa patuloy na pagtaas ng halaga nito sa world market ayon pa sa DOE.
Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo na ng dagdag presyo ay ang Shell Philippines, Jetti, Seaoil, Petron, PTT, Phoenix, Unioil, Clean Fuel at Metro Petroleum.
Noong isang linggo ay nagpatupad rin ng dagdag singil sa kanilang mga produkto ang mga oil companies sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.