Siyam pang miyembro ng Maute Terrorist group, napatay sa Marawi

 

Photo: Joint Task Force Ranao

Siyam pang miyembro ng Maute Terrorist group ang napatay ng mga sundalo sa Marawi City.

Nasawi ang siyam na Maute terrorist stragglers sa patuloy na clearing operations sa main battle aira.

Ito ay kinumpirma ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner.

Ayon kay Brawner, kabilang sa napatay ang pinsan ng mga napatay na Maute leaders na si Ibrahim Maute, alyas Abu Jamil.

Mahalaga ayon kay Brawner ang papel na ginagampanan ni Abu Jamil sa Maute terror group.

 

Sinabi ng opisyal na nangyari ang engkwentro matapos makitang papalabas sa isang pinagtataguang gusali ang mga ito.

Sa ngayon, ipinoproseso na ang bangkay ng mga ito bago ilibing sa Makbara Cemetery.

Sinabi ni Brawner na ito ang patunay na delikado pa ang pagtungo sa main battle area.

Dahil naman sa pagkamatay ng siyam ay sinabi ng opisyal na mas nabawasan pa ang mga natitirang Maute stragglers.

 

 

 

Read more...