Duterte at Trump, magkikita sa unang pagkakataon sa APEC Summit sa Vietnam
Magkikita sa unang pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S Pres. Donald Trump sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Vietnam ngayong linggo.
Nakatakdang lumipad si Pangulong Duterte sa Vietnam sa Miyerkules para dumalo sa nasabing Summit na nagsimula na ngayong araw.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Leo Herrera Lim, sa isang welcome dinner na magaganap sa November 8 unang magkikita ang dalawang lider.
Matatandaang dalawang beses nang nakapag-usap sa telepono sina Duterte at Trump, una ay noong December 2016 habang ang ikalawa ay noong nakaraang Abril.
Pagkatapos ng kanyang pagdalo sa APEC Summit, didiretso naman si Trump sa Pilipinas sa November 12 hanggang 14 para naman sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.