(UPDATE) Nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) at Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong Lunes ng umaga.
Ayon sa abiso ng LRT-1, nakaranas ng aberya ang biyahe ng isa nilang tren sa bahagi ng DOroteo Jose Station pasado alas 8:00 ng umaga.
Bagaman hindi tinukoy kung anong partikular na problema ang naranasan, kailangan umano itigil saglit ang biyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Alas 8:18 naman nang umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng LRT line 1.
Samantala, alas 8:12 naman ng umaga, pinababa ang mga pasahero ng MRT sa Cubao station southbound.
Ito ay makaraang magkaroon ng technical problem ang isang tren ng MRT.
Alas 9:47 ng umaga, muling nagka-aberya ang biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa Magallanes northbound.
Habang naitala ang ikatlong aberya sa MRT alas 10:23 ng umaga.
Ayon sa abiso ng MRT sa kanilang twitter, muling nagpababa ng mga pasahero sa Santolan station southbound alas 10:23 ng umaga dahil sa nagkaproblemang tren.
Lahat ng tren ng mRT na nakaranas ng problema ay ibinalik sa depot para makumpuni.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.