Tatlong gwardya, arestado dahil sa pamamaril ng tatlong kainuman sa Malolos, Bulacan

By Mark Gene Makalalad November 06, 2017 - 08:05 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong security guards makaraang mamaril ng tatlong lalaki na kanilang kainuman sa FBIC Compound Brgy. Santor, Malolos City, Bulacan.

Kuwento ng mga biktimang sina Charles Nebrida, James Ayad at Arnel Lukban, nag-iinuman silang tatlo kasama ang mga gwardyang sina Jayson Barrios, Arnel Ursalam at John Peter Gordeville nang bigla silang nagkainitan na humantong sa suntukan.

Bigla na lang umanong bumunot ng 9mm na baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan sila.

Sa kabutihang palad, wala naman ni isa ang sa kanila ang tinamaan.

Agad na rumesponde ang mga kagawad ng Malolos City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Narekober mula sa kanila ang 9mm na baril at ilang piraso ng bala.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.

 

 

 

 

 

TAGS: 3 security guards arrested, malolos bulacan, Shooting Incident, 3 security guards arrested, malolos bulacan, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.