LOOK: Ilang biyahe ng eroplano, kanselado dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2017 - 07:40 AM

UPDATE: Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw ng Lunes, Nov. 6.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ilang biyahe na mula at pabalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kinansela dahil sa masamang panahon.

Kabilang dito ang flights ng PAL Express na 2P 2084 at 2P 2085 Manila-Basco-Manila at 2P 2014/2015 Manila-Tuguegarao-Manila.

Kanselado na rin ang flights M8 816 at 817 Manila-Basco-Manila ng Skyjet.

Habang kinansela naman ng Cebu Pacific ang kanilang flights 5J 504 at 505 Manila-Tuguegarao-Manila.

Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Ayon sa PAGASA, apektado ng tail-end ng cold front, easterlies at Northeast Monsoon ang Luzon ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: batanes, cancelled flights, MIAA, NAIA, PAL, batanes, cancelled flights, MIAA, NAIA, PAL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.