Reclamation projects ng China sa West Philippine Sea hindi inihinto, ayon sa AFP

west-philippine-sea-china-reclamation-16-1024x540
Inquirer file photo

Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pahayag ng China na tapos na ang isinasagawa nilang reclamation projects sa tatlong bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Western Command Chief Vice Admiral Alexander Lopez, base sa satellite images patuloy ang mga ginagawang konstruksyon sa
Mischief reef, Subi reef at Fiery Cross reef.

Idinagdag pa ni Lopez na sa kanilang pagtatantiya bago matapos ang taon ay tapos na ang mga ginagawa ng China.

Nilinaw naman ng opisyal na maaaring walang katotohanan ang ulat ng isang foreign media agency na may ginagawa din na airstrip sa Subi
reef dahil ito ay pabilog.

Aniya maaaring ang tinutukoy sa ulat ay ang airstrip sa Mischief reef.

Read more...