Lumusob sa Rizal Park sa Maynila ang isang Environmental justice group at tinangkang magladlad ng banner sa mismong flag pole sa parke.
Agad namang naitaboy ng mga security personnel ng Rizal Park ang mga miyembro ng grupong “Ban Toxics” na nagtungo sa lugar Miyerkules ng umaga bitbit ang malaking banner na may nakasulat na “huwad ang kalayaan kung tayo ay basurahan”.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Jezreel Belleza, tagapagsalita ng grupong Ban Toxics, hindi pa tuluyang malaya ang bansa dahil pumayag tayong maging basurahan ng ibang mga nasyon.
Tinukoy ng grupo ay ang tone-toneladang basura na ipinasok sa bansa mula sa Canada.
We want all of the 98 shipment containers to go back to Canada po. They don’t belong here, may risk po sa health and environment natin ang mga ito,” sinabi ni Belleza,.
Dagdag pa ni Belleza, posibleng may pressure sa administrasyong Aquino ang Canada kaya tinanggap ang mga basura.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa Pamahalaan na ibalik sa Canada ang naturang mga waste materials at pagbayarin ang bansa sa pinsalang idinulot nito sa Pilipinas./ Ricky Brozas