Ito ang pahayag ng Palasyo kaugnay ng naging resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala namang “unusual” sa ganitong resulta dahil ganito din naman ang nangyari sa mga nagdaang administrasyon.
Paliwanag ni Roque, kadalasan talagang humuhupa ang euphoria ng mga tao sa halalan matapos ang isang taong panunungkulan ng presidente.
Aniya, mas nagiging realistic na kasi ang mga tao sa ganitong punto tungkol sa kung ano ang matutupad o magagawa ng pamahalaan.
Ito na aniya ang naging trend maging sa mga nagdaang administrasyon.
Ani pa Roque, ang mas mahalaga ay nananatiling kuntento o “satisfied” ang publiko sa kasalukuyang administrasyon dahil nabigyan pa ng “very good” na +58 rating sa survey ang kanilang overall performance.
Magpapatuloy naman aniya si Pangulong Duterte at ang mga miyembro ng kaniyang Gabinete sa pagtitiyak na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang mga mamamayan kung saan mararamdaman nilang sila ay ligtas sa ilalim ng mapagkakatiwalaang pamahalaan.