Main battle area sa Marawi, malabo pang mabalikan ng mga residente
Naniniwala si Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner na malabo pang makabalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan sa loob ng main battle area sa Marawi City pagsapit ng Disyembre.
Ayon kay Brawner, Nobyembre na kasi ngunit marami pang kailangang gawin at hindi pa sila natatapos sa kanilang mga clearing operations.
Dagdag pa niya, mahihirapan din ang mga residente na makabalik kahit pagdating pa ng susunod na buwan.
Bukod sa clearing operations na hindi pa natatapos, patuloy pa rin aniya kasi ang pagtugis nila sa mga nalalabing stragglers ng Maute Group.
Dahil ito ay main battle area, tinitiyak din ng mga sundalo na tuluyang ma-clear mula sa mga nalalabing improvised explosive device ang lugar bago mapabalik ang mga residente.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay pinayagan nang makabalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan sa ibang bahagi ng Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.