Gayunman, nilinaw ni Roque na hindi gobyerno ang nagpagawa nito, kundi isa itong donasyon ng negosyanteng Chinese na si Huang Rulun.
Dahil hindi naman gobyerno ang gumastos para dito, may kalayaan ang negosyante para gawin ang anumang kaniyang naisin sa kaniyang sariling pera.
Pero sinabi ni Roque na kung hindi man magagamit ang kabuuan nito para sa drug rehabilitation, marami pa naman itong maaring paggamitan.
Ani Roque, dahil nasa loob naman ito ng Fort Magsaysay ay maaring magamit ang ilang bahagi nito bilang tulugan ng mga sundalo o kaya ay mga opisina.
Wala naman aniyang dapat ipagkabahala tungkol dito dahil hindi naman mauubusan ng pagga-gamitan ang 100,000-square meter na rehabilitation center na nagkakahalaga ng $3.6 bilyon.
Kaya nitong tumanggap ng 10,000 pasyente ngunit sa ngayon ay mayroon lamang itong 400 na kliyente.