Mega drug rehab sa Nueva Ecija, maari pang gamitin sa ibang paraan – Palasyo

By Kabie Aenlle November 06, 2017 - 02:13 AM

 

Sumang-ayon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni Dangerous Drugs Board chairman Dionisio Santiago na “miscalculation” ang pagpapatayo ng napakalaking mega drug rehabilitation center sa Nueva Ecija.

Gayunman, nilinaw ni Roque na hindi gobyerno ang nagpagawa nito, kundi isa itong donasyon ng negosyanteng Chinese na si Huang Rulun.

Dahil hindi naman gobyerno ang gumastos para dito, may kalayaan ang negosyante para gawin ang anumang kaniyang naisin sa kaniyang sariling pera.

Pero sinabi ni Roque na kung hindi man magagamit ang kabuuan nito para sa drug rehabilitation, marami pa naman itong maaring paggamitan.

Ani Roque, dahil nasa loob naman ito ng Fort Magsaysay ay maaring magamit ang ilang bahagi nito bilang tulugan ng mga sundalo o kaya ay mga opisina.

Wala naman aniyang dapat ipagkabahala tungkol dito dahil hindi naman mauubusan ng pagga-gamitan ang 100,000-square meter na rehabilitation center na nagkakahalaga ng $3.6 bilyon.

Kaya nitong tumanggap ng 10,000 pasyente ngunit sa ngayon ay mayroon lamang itong 400 na kliyente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.