Seguridad sa ASEAN Summit, hindi gagamitan ng signal jammers

By Kabie Aenlle November 06, 2017 - 02:45 AM

 

Marianne Bermudez/Inquirer

Hindi haharangan ng mga mamamahala sa seguridad para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang mga signal ng komunikasyon.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Catalino Cuy, hindi hihilingin ng gobyerno sa mga telecommunication companies ngayon na suspindehin ang kanilang mga operasyon sa mga lugar kung saan gaganapin ang summit.

Kinumpirma rin ni Cuy na nakiusap sila sa kanilang mga counterparts, pati na sa mga security personnel ng ibang mga heads of state na huwag magdala ng signal jammers.

Ganito aniya kasi ang ginawa noong mga nakaraang pagtitipon kung saan nagdala ng kaniya-kaniyang gamit ang mga tauhan ng mga world leaders.

Ngunit kumpyansa naman si Cuy sa mga inihanda at inilatag nilang seguridad para sa lahat ngayong ASEAN Summit.

Dahil dito, hindi na papayagan ang ganoong sistema, lalo na’t maaapektuhan rin ng signal jammers ang koordinasyon ng mga security forces ng gobyerno.

Kadalasan kasing ginagamit sa malalaking events ang signal jammer upang maiwasang gawing triggering device ng pampasabog ang mga cell phone.

Samantala, tiniyak naman ni ASEAN security task force commander Director Napoleon Taas, may mga K-9 units naman na nakahanda para mag-matyag at maghanap sa mga posibleng nakakalat na pampasabog.

Kasama rin aniya ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan ang abala sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.