COA sa DSWD: Ayusin muna ang sistema bago palawigin ang 4P’s

By Kabie Aenlle November 06, 2017 - 02:05 AM

 

Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na panatilihin muna ang suspensyon ng pagpapalawig sa conditional cash transfers (CCT) program ng pamahalaan.

Ito ang payo ng COA sa kagawaran hangga’t hindi pa nila naisasaayos nang tuluyan ang “leakages” o ang mga problema sa kanilang sistema.

Base kasi sa Performance Audit Report sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), pinuna ng COA na dapat i-upgrade ng DSWD ang kanilang information technology systems.

Sa pamamagitan anila kasi nito ay matutukoy ng DSWD ang mga ineligible na beneficiaries bago sila tumanggap ng mga bagong kasapi sa programa.

Bilang nalalapit na rin ang ika-10 anibersaryo ng 4Ps sa susunod na taon, iminungkahi din ng COA na dapat gumawa ng maayos na impact evaluation ang DSWD upang malaman kung paano nakakatulong ang programa sa mga pamilya.

Nakasaad sa National Household Assessment noong 2015 na sa 4,402,253 na pamilyang rehistrado, 1,315,477 o nasa 30 percent ang itinuturing na ngayong nasa taas na ng poverty line ngunit tumatanggap pa rin ng tulong sa DSWD.

Dahil dito, ipinaliwanag ng COA na ang kabiguan nilang ma-validate at ma-update ang listahan ang posibleng dahilan ng nasabing leak.

Isinisi naman ng COA sa mabilisang expansion ng 4Ps sa ilalim ng administrasyong Aquino ang pag-lala ng problema sa sistema ng programa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.