Mabagal na traffic sa Quirino Highway, asahan dahil sa konstruksyon ng MRT-7

By Justinne Punsalang November 06, 2017 - 01:12 AM

 

Simula ngayong araw, November 6, ay asahan na ng mga motorista ang pagbagal sa daloy ng trapiko sa Quirino Highway dahil sa konstruksyon ng MRT-7.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), para makaiwas sa buildup ng mga sasakyang sa naturang kalsada ay mas maiging dumaan na lamang ang mga motorista sa mga alternatibong ruta.

Para sa mga papunta sa direksyon ng Quezon Memorial Circle mula Caloocan o San Jose del Monte, maaaring dumaan sa:

– Sampaguita Road papuntang Maligaya Road
– Malaria Road papuntang Mailgaya Road
– Malanting Road papuntang Maligaya Road

Maaari namang dumaan ang mga papuntang Caloocan o San Jose del Monte mula Quezon Memorial Circle sa:

– Regalado Highway papuntang Ascencion
– Mindanao Avenue papuntang Ascencion o Carida-Esperanza

Matatandaang noong August 2016 nagsimula ang 22-kilometer MRT-7 project at inaasahang matatapos sa 2019.

Sa ilalim ng naturang rail transit system, pagdudugtungin nito ang MRT-3 sa North Avenue hanggang sa San Jose del Monte sa Bulacan.

Kasama sa magiging istasyon ng MRT-7 ang North Avenue, Quezon City Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose Del Monte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.