Karagdagang pondo para sa war on drugs ng PDEA, asahan na ayon kay Roque

By Justinne Punsalang November 05, 2017 - 06:29 PM

 

Posibleng humingi ng karagdagang pondo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa susunod na taon para matugunan ang nakaatang sa kanilang trabaho kontra sa iligal na droga sa bansa.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, gagamitin ng PDEA ang karagdagang pondo para makapag-recruit at makapag-train ng mga bagong miyembro sa kanilang hanay na kasama nilang sasawata sa problema tungkol sa iligal na droga.

Aniya, iminungkahi niya sa PDEA na humingi ng karagdagang pondo para sa kanilang annual budget para magtalaga ng mga tauhan mula sa hanay ng mga pulis at militar. Ito ay kasunod ng naunang pahayag ng PDEA na kulang ang kanilang tauhan para tugunan ang utos ng pangulo.

Dagdag ni Roque, bukod sa pagkakaroon ng karagdagang tauhan ay kailangan munang sumailalim ang mga ito sa maayos na training para masiguradong maayos ang mga isasagawang operasyon at mababawasan ang mga collateral damage.

Napansin kasi umano ni Roque na karamihan sa mga kaso ng collateral damage ay kinasasangkutan ng mga bagong pulis na kulang pa sa training at eksperiyensiya.

Matatandaang kamakailan lamang ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PDEA na pangunahan ang anti-drug campaign ng pamahalaan, matapos batikusin ng mga local at foreign groups ang mga nangyayaring summary killings kaugnay ng war on drugs.

Ngunit nagpahiwatig naman ang pangulo na maaaring maibalik sa Philippine National Police (PNP) ang war on drugs depende sa magiging resulta ng pagsisikap ng PDEA sa susunod na anim na buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.