Physical at Cyber Threats sa ASEAN Summit, tinututukan ng ASEAN Committee on Security

Siniguro ni Interior and Local Government Officer-In-Charge Catalino Cuy na handa na ang bansa sa Physical at Cyber Threats sa ASEAN Summit.

Sinabi ni Cuy, ang Chairman ng ASEAN Committee on Security, Peace and Order, Emergency Preparedness and Response, nakalatag na ang mga hakbang sakaling may pananabotaheng maganap sa naturang pagtitipon.

Naplantsa na rin aniya ng Metro Manila Development Authority ang stop and go scheme na ipatutupad sa North Luzon Expressway (NLEX) tuwing daraan ang convoy ng ASEAN delegates papunta at pabalik mula sa Clark International Airport sa Pampanga.

Sinabi pa ng opisyal na, may lock down din sa mga venue ng pagpupulong at sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegasyon.

Paglilinaw ni Cuy, hindi gagamit ng signal jammer sa linya ng komunikasyon.

Nanawagan naman sa publiko si ASEAN 2017 National Organizing Council Head Marciano Paynor sa mga motorista na huwag nang harangan o sabayan ang ASEAN convoy upang hindi makaabala.

Una nang idineklara ng pamahalaan na special non-working days ang Nobyembre 13 hanggang 15 sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga kaugnay ng ASEAN sumit.

Sinuspinde rin ng mga alkalde ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila sa Nobyembre 16 at 17.

Read more...