Back to back win, nakuha ng Pilipinas sa dalawang beauty pageant
Matapos tanghalin ang Pinay na si Karen Ibasco bilang Miss Earth 2017, kinorohan naman bilang ‘Reina Hispanoamericana 2017’ ang pambato ng Pilipinas na si Wynwyn Marquez.
Dalawampu’t anim na kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ni Marquez sa kumpetisyon na ginanap sa Bolivia.
Sa question and answer portion, tinanong si Marquez kung paano niya ipo-promote ang Hispanic-American culture nang walang magiging balakid sa lenggwahe nito.
Napahanga ng pambato ng Pilipinas ang mga hurado sa kanyang sagot kung saan sinabi nito na ang wika ay natutunan pero ang determinasyon na makapag-ambag sa isang organisasyon ay nagmumula sa puso.
“Language can be learned but the will and determination to contribute to the organization cannot. It has to come from the heart. It has to be natural,” ani Marquez.
Binanggit din ni Marquez sa kanyang sagot na ang Hispanic culture at hindi lamang tungkol sa wika, kundi sa pagmamahal sa Diyos, sa bansa, sa kasaysayan at kultura, at sa pamilya.
“The Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture and love for family. As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote the Hispanic culture not just in Asia but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated,” dagdag pa ni Marquez.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, si Marquez ang kauna-unahang Filipina na lumaban at nanalo sa nasabing beauty pageant.
Una nang kinorohan bilang Miss Earth 2017 ang pambato din ng bansa na si Ibasco sa Mall of Asia Arena.
Tinanong naman ang kandidata kung sino o ano ang sa tingin niya ay ‘biggest enemy’ ng Mother Earth at bakit.
Ito naman ang naging direktang sagot ni Ibasco.
“I believe that the real problem is not climate change. The real problem is us, because of our ignorance and apathy. What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps. Because together as a global community our micro efforts will have a macro effect to help save our home, our planet,”
Noong 2016, sumabak din sa Binibining Pilipinas si Ibasco ngunit hindi pinalad na makasungkit ng pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.