Mga labi ni Isabel Granada, iuuwi sa Pilipinas sa Miyerkules

Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang mga labi ng beteranang aktres na si Isabel Granada sa darating sa Miyerkules.

Ayon sa mister ng aktres na si Arnel Cowley, iuuwi niya sa Miyerkules ang mga labi ni Isabel mula sa Qatar.

Ngayong araw naman nakatakdang bumalik sa bansa ang mga kamag-anak ni Isabel na nagtunog sa Qatar matapos ma-comatose ang aktres.

Sinabi ni Cowley na plano nilang ipa-cremate ang mga labi ni Isabel.

Binanggit aniya sa kanya ni Isabel noong isang beses na nagpunta sila sa burol ng isang kaibigan sa Australia na nais nitong ma-cremate.

Pero sinabi ni Cowley na ang desisyon pa rin ng ina ni Isabel na si Mommy Gwapa ang masusunod.

Samantala, sinabi ni Cowley na idineklarang brain dead si Isabel ng mga doktor sa Qatar noong October 27.

Read more...