Misa sa EDSA, walang kulay pulitika – Abp. Villegas

By Rhommel Balasbas November 05, 2017 - 05:43 AM

INQUIRER File Photo

Iginiit ni Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas na walang magiging political color ang magaganap na pagtitipon sa EDSA Shrine ngayong araw.

Nakatakdang magdaos ng misa, prusisyon at cultural presentations ang CBCP ngayong araw para sa kampanyang “Start the Healing” na ikalawang bugso ng pagdarasal para sa mga biktima ng summary killings sa bansa.

Ayon sa video message ng arsobispo, ang kulay ng pagtitipon ay “transparency”, kalinawan ng paningin at kalinisan ng puso.

Ipinagdadalamhati anya ni Villegas ang pagkatuwa ng ilang mga Katolikong Pilipino sa tuwing makaririnig ng balita ukol sa pagpatay.

Anya, dapat sumandal ang lahat sa Diyos, hindi sa ideolohiya; sa Diyos at hindi sa kahit anong partido.

Samantala, ito rin ang siniguro ni dating Civil Service Commission Chairman Karina Constantino David.

Ani David, hindi papayagan ang kahit anong political speech upang mapanatili ang kabanalan ng misa at prusisyon.

Ang programa ngayong araw ay magwawakas sa prusisyon ng imahe ng Our Lady of Fatima na nauna nang dinala sa EDSA People Power Revolution noong 1986.

Pinaghahanda ng Obispo ang bawat mananampalataya sa loob ng 33 araw at hinihimok na manalangin at tumanggap ng banal na Komunyon.

TAGS: archbishop socrates villegas, CBCP, Lord Heal Our Land Sunday, archbishop socrates villegas, CBCP, Lord Heal Our Land Sunday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.