EXCLUSIVE: Mga residenteng bumalik sa kanilang mga bahay natatakot pa rin

By Erwin Aguilon November 05, 2017 - 04:26 AM

Umabot na sa 25,000 residente ng Marawi City ang pinayagang makabalik sa kanilang mga tahanan matapos ang limang buwang giyera.

Siyam na barangay na bahagi ng unang cluster ang nakabalik na mula noong araw ng Linggo.

Kabilang dito ang mga Barangay Basak Malutlut, Poblacion Marawi, East Basak, Loksadatu, Barrio Green, Tambilong, Matampay at pinakahuli ang Panggao Saduc.

Sinabi ng mga residente na hindi pa sila makatulog sa kanilang mga bahay dahil wala pang supply ng tubig at kuryente.

Bukod dito natatakot ang mga ito na manatili sa kanilang bahay kung gabi dahil sa sira-sirang mga pintuan at bintana.

Umaasa naman ang mga residente na kaagad maibabalik ang supply ng kuryente at tubig sa kanilang lugar.

 

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS: bakwit, Marawi City, bakwit, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.