Lebanese Prime Minister Saad al-Hariri, nagbitiw sa pwesto

By Rhommel Balasbas November 05, 2017 - 04:21 AM

Nagbitiw sa pwesto si Lebanese Prime Minister Saad al-Hariri dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Ito ang inanunsyo ng lider sa isang television broadcast mula sa Saudi Arabia.

Wala pang isang taon nang maupo si Hariri sa kanyang pwesto.

Anya, nabubuhay siya sa halos kaparehong sitwasyon na nangyari sa nakalipas kung saan pinaslang ang martir na si Rafik al-Hariri.

Si Rafik al-Hariri ay ama ni Saad na umupo rin bilang Prime Minister at pinatay noong 2005.

Binatikos ni Hariri ang Shia movement Hezbollah, isang grupong kinukonsiderang makapangyarihan sa Lebanon at sinusuportahan ng Iran.

Inaakusahan ni Hariri ang Iran na nagtatanim ng takot at pagbabanta sa ilang mga bansa kabilang ang Lebanon.

Samantala, ang pamilya ni Hariri ay may malalim na ugnayan sa Saudi Arabia, pinakamalaking competitor ng Iran sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.