Voter registration, magpapatuloy bukas

By Justinne Punsalang November 05, 2017 - 04:00 AM

Hinimok ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga mamamayan na magparehistro para sa isasagawang eleksyon sa May 14, 2018 para sa barangay at Sanggunian Kabataan.

Bukod sa pagpaparehistro ay hinimok rin ng PPCRV ang lahat na bumoto.

Ayon kay PPCRV chairperson Rene Sarmiento, importante ang bawat isang boto lalo na’t posible na magkaroon ng ‘tie votes’ sa barangay at SK election.

Ang naturang pahayag ay inilabas bilang paalala sa muling pagbubukas bukas, November 6, ng pintuan ng Commission on Election (COMELEC) para sa voter registration.

Nais rin ni Sarmiento na magpa-reactivate ng kanilang mga record ang botanteng ikinonsidera nang deactivated ang kanilang COMELEC records matapos hindi bumoto noong nakaraang dalawang mga eleksyon.

Ayon pa kay Sarmiento, makikipagtulungan sila sa COMELEC para naman sa voter registration ng mga persons with disability (PWD) sa mga satellite offices at mga mall.

Matatandaang una nang inanunsyo ng COMELEC ang muling pagbubukas ng registration sa buong bansa, liban na lamang sa lalawigan ng Lanao del Sur simula November 6 hanggang 30.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.