Tatlo sugatan sa pagsalpok ng Cement Mixer sa tindahan sa Pampanga
Isa na namang aksidenteng kinabibilangan ng cement mixer ang nangyari sa Guagua, Pampanga.
Sumalpok ang truck sa isang tindahan at nahagip ang isang pampasaherong jeep at isang motorsiklo dahilan upang masagutan ang tatlong katao.
Nakilala ang driver ng truck na si Ronald de Leon, 45 at nagtamo ng minor injury habang sugatan din ang drayber ng motrosiklo na si Michael Flores at ang angkas niyang si Jennifer Aranguo.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Guagua Police na nawalan ng preno ang truck habang binabagtas ang Jose Abad Santos Avenue.
Agad namang itinakbo sa mga pagamutan ang mga sugatan at maayos na ang kalagayan sa ngayon.
Hindi maghahain ng kaso ang mga biktima maging ang may-ari ng tindahan dahil sasagutin na ng kumpanya ng driver ng truck ang mga nasira at hospital bills.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.