Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), labindalawa sa mga bahay ang ikinonsiderang totally destroyed, habang tatlo ang partially damaged.
Posible umanong nagsimula ang sunog sa faulty electrical wiring batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP.
Sinegundahan naman ito ng mga kawani ng Barangay Mansilingan. Anila, walang sariling kuntador ang mga residente sa lugar, dahilan para maki-konekta lamang ang mga ito sa may lehitimong koneksyon sa kuryente.
Tinatayang nasa P300,000 ang kabuuang pinsala sa naturang sunog.
MOST READ
LATEST STORIES