Foreign national, arestado dahil sa pagwawala sa La Loma, QC

By Justinne Punsalang November 05, 2017 - 03:51 AM

Timbog ang isang foreign national matapos nitong sapakin ang isang delivery boy habang ito ay nagwawala sa kahabaan ng D. Tuazon, sa La Loma, Quezon City.

Ayon sa complainant na nagpapatago na lamang sa pangalang Nicolas, hinatid niya ang kanyang kasamahan sa lugar nang bigla na lamang siyang lapitan at sapakin ng foreigner.

Kaagad na pinosasan ng gwardya sa lugar ang foreign national bago ito dinala sa himpilan ng mga pulis sa Quezon City Police District Station 1.

Ngunit bago tuluyang mahuli ang foreigner ay sinubukan pa nitong magpumiglas, dahilan upang magkaroon ito ng sugat sa mukha at braso.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang foreign national at tumanggi rin itong ipaalam ang kanyang pangalan maging kung saang bansa siya galing.

Ayon naman kay Senior Inspector Felipe Fermin Jr., posibleng maharap sa kasong alarm and scandal at physical injury ang foreign national.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.