Presyo ng mga produktong petrolyo, muli na namang tataas sa darating na linggo

By Justinne Punsalang November 05, 2017 - 02:07 AM

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon muli ng pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Sa abisong inilabas ng kagawaran, nakasaad na inaasahang madaragdagan ng P0.90 kada litro ang gasolina, habang P0.65 naman sa kada litro ng diesel.

Para naman sa kerosene, P0.80 ang madadagdag na presyo nito kada litro.

Ayon sa DOE, naapektuhan ng international oil trading nitong nakalipas na linggo ang lokal na halaga ng produktong petrolyo sa bansa kaya mayroong paggalaw sa halaga ng mga ito.

Sa huling tala, naglalaro sa P30.40 hanggang P39.10 kada litro ang halaga ngayon ng diesel, habang P41.40 hanggang P51.50 naman kada litro ang presyo ng gasolina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.