Kinansela ng Cebu Pacific ang ilan sa kanilang mga domestic flights dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa advisory na inilabas ng Cebu Pacific ngayong umaga, kanselado ang kanilang biyahe sa Tuguegarao City (5J 506) at ang biyahe mula sa Tuguegarao pabalik sa Maynila (5J 505).
Sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora dahil sa namumuong sama ng panahon.
Huling namataan ang isang low pressure area sa Silangang bahagi ng Surigao city na siyang nagdudulot ring mga pag-ulan sa kasalukuyan sa Eastern Visayas, Bicol region at Quezon province.
Sinabi rin ng PAGASA na apektado ng Northeast moonson ang buong Northern Luzon na magdadala ng mga pag-ulan at malamig na ihip ng hangin.