1 patay, 11 sugatan sa riot sa Quezon City Jail

By Den Macaranas November 04, 2017 - 09:48 AM

Radyo Inquirer

Mahigit sa isang libong mga bilanggo sa loob ng Quezon City jail ang sangkot sa naganap na riot kagabi.

Sa ulat ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman S/Insp. Xavier Solda, nagsimula ang dahil lamang sa napabayaang water dispenser.

Natapon umano ang tubig na mula sa isang water dispenser sa second floor ng Quezon City jail kung saan nakakulong ang mga miyembro ng Bahala Na Gang at nabasa sa ground floor ang mga kasapi ng Batang City Jail kung saan naman sila nakakulong.

Inakala umano ng mga miyembro ng Batang City Jail na sinadya ang pangyayari na nauwi sa murahan at batuhan mula sa magkabilang panig.

Nahirapan ang mga jail guards na kontrolin ang sitwasyon kaya humingi na sila ng tulong mula sa Quezon City Police District SWAT na mabilis namang pumunta sa lugar.

Makalipas ang halos ay isang oras na gulo ay naawat rin ang magkabilang panig at doon nila natuklasan ang bangkay ng isang preso na pansamantala munang hindi binanggit ang pangalan.

Umaabot naman sa labingisang bilanggo ang sugatan dahil sa riot.

Pansamantala munang bawal ang dalaw ngayong araw sa nasabing bilangguan habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

Napag-alaman rin na mayroong 900 Bahala Na Gang members ang nakakulong sa Quezon City Jail samantalang nasa 700 naman ang mga kasapi ng Batang City Jail.

TAGS: Bahala Na Gang, Batang City Jail, Quezon City Jail, riot, Bahala Na Gang, Batang City Jail, Quezon City Jail, riot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.