Kaligtasan ng mga delagado sa ASEAN Summit tiniyak ng PNP

By Den Macaranas November 04, 2017 - 08:51 AM

Inquirer photo

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police na walang natatanggap na specific terror threat ang bansa sa kasalukuyan.

Ito ay sa kasagsagan ng paghahanda ng pamahalaan sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa bansa.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na posibleng pinag-iingat lamang ng Australian government ang kanilang mga nationals sa bansa nang sila ay maglabas ng travel advisory.

Nauna na ring sinabi ng liderato ng Armed Forces of the Philippines na walang banta ang mga terorista sa bansa.

Magkagayunman, tiniyak ng AFP at PNP na naka-alerto ang kanilang hanay may banta man o wala ang mag kalaban ng pamahalaan.

Sa ngayon ay puspusan na rin ang paghahanda ng mga tauhan ng pulisya at militar kaugnay sa pagdating ng mga delegado ng ASEAN Summit.

Bagaman may ilang miyembro pa ng Maute ang patuloy na nakikipagbakbakan sa mga tropa ng militar at pulisya sa Marawi City sa kabuuan ay wala na itong epekto sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa ayon pa sa PNP Chief.

TAGS: AFP, Asean summit, Australia, dela rosa, PNP, AFP, Asean summit, Australia, dela rosa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.