“Fake news,” napili bilang word of the year

By Kabie Aenlle November 04, 2017 - 05:51 AM

Dahil sa paulit-ulit itong nababanggit halos araw-araw sa social media at maging sa mismong mga balita, napili ng Collins Dictionary na gawing 2017 Word of the Year ang “fake news.”

Inilabas ng leading publisher na HarperCollins sa print at online media ang “fake news” na kabilang sa mga salitang naging prominente o naging sikat sa nagdaang taon.

Ayon sa Collins, tumaas ng 365 percent ang paggamit sa nasabing termino simula noong nakaraang taon.

Inilarawan ng Collins ang “fake news” bilang “false, often sensational, information disseminated under the guise of news reporting.”

Ipinaliwanag naman ng Collins sa etymology na nagsimula ang paggamit ng mga salitang fake at news sa larangan ng comedy.

Gayunman, kalaunan ay nagamit na ito sa pagtukoy sa mga balita na mali o malisyoso ang mga nilalamang impormasyon.

Kapansin-pansin na lalong mas naging laganap ang paggamit sa terminong “fake news” dahil sa paggamit din ni US President Donald Trump lalo na noong kasagsagan ng kaniyang pangangampanya.

Madalas din itong gamitin ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag tinutukoy ang mga maling impormasyon na pinapakalat ng kaniyang mga masugid na taga-suporta.

Samantala, kasama naman sa mga shortlisted na maging Word of the Year ay ang antida, corbynmania, cuffing season, echo chamber, fidget spinner, gender-fluid, gig economy, insta at unicorn.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.