Trump, mag-eextend ng isang araw sa Pilipinas

Magtatagal pa ng isang araw ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Asya para makadalo sa East Asia Summit.

Kinumpirma ni White House Press Secretary Sarah Huckabee Sanders na madadagdagan ng isang araw ang pagbisita ni Trump sa Pilipinas para mapuntahan ang taunang event sa November 14.

Maraming experts kasi ang bumatikos sa naunang desisyon ni Trump na huwag nang dumalo sa East Asia Summit na gaganapin mula November 13 hanggang 14, at kinwestyon ang commitment ng U.S. sa mga miyembro ng nasabing rehiyon.

Si Trump kasi ay nakatakdang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa November 13, pero aalis din agad pagkatapos ng event.

Gayunman, si Trump mismo ang nag-anunsyo ng extension ng kaniyang Asian trip bago siya umalis sa White House.

Ang Asian trip ni Trump ay bubuuin ng mga pagbisita sa Japan, South Korea, China, Vietnam at Pilipinas.

Read more...