Matapos maipasa sa 3rd and final reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, nasa Senado na umano ang bola para tuluyang maisabatas ang libreng public Wi-Fi.
Ito ang sinabi ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, ang principal author ng House Bill 5791 o “An Act providing free public wireless internet access in public buildings, terminal, parks and plazas throughout the country”, sa panayam ng Radyo Inquirer.
Ayon kay Ridon, dahil nakapasa na sa Kamara, hihintayin na lamang ang pag-usad ng kaparehong panukalang batas sa Senado para tuluyan nang malagdaan ni Pangulong Aquino at maisabatas.
Sa ilalim ng HB 5791 ni Ridon, lahat ng local government offices, mga public plaza, mga parke, terminal at iba pang pampublikong lugar ay dapat mayroong Wi-Fi na libreng maa-access ng publiko.
Sinabi ni Ridon na libre dapat ang pag-access sa Wi-Fi at hindi pwedeng pagkakitaan ng mga magpapatupad nito.
Para masiguro din ang privacy ng indibidwal na gagamit nito, hindi dapat hihingin ang personal information ng sinomang gusting maka-connect sa Wi-Fi.
“Ang 1st mandate ng “Free Wi-Fi bill”, ang implementation nito ay dpat nsa ICT office ng ating Gobyerno. Sa panukala, libre po na magagamit ng publiko ang “public Wi-Fi”, hindi pwedeng pagkakitaan ng sinoman.
Para matiyak ang privacy wala ding ire-require na private information sa sinomang gustong maka-access ng free Wi-Fi,” sinabi ni Ridon./ Dona Dominguez – Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.