WATCH: Seguridad sa main battle area sa Marawi City mas hinigpitan ng militar

By Erwin Aguilon November 04, 2017 - 01:39 AM

MARAWI CITY – Lalo pang hinigpitan ng Joint Task Force Ranao ang pagpapapasok ng mga civilian sa main battle area ng Marawi City.

Kasunod ito ng naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at mga “stragglers” na miyembro ng Maute Group.

Bukod ang mga ito pa sa naunang nakitang stragglers na hinabol mismo nina Col. Romeo Brawner.

Sa pagtungo nga Radyo Inquirer sa main battle area, sunod-sunod pa rin ang daan ng mga truck ng militar.

Tanging mga miltary trucks din lamang ang pinapayagang magpunta sa loob kaya kinailangan pang makisakay sa sasakyan ng militar upang makapasok.

Dahil dito, sinabi ni Brawner na mas matatagalan pa ang pagbabalik ng mga residente

Nakakasulasok din ang amoy sa ibang parte ng main battle area dahil sa mga patay na hayop.

Ang team ng Radyo Inquirer hindi rin nakaligtas sa kagat ng malalaking lamok sa lugar pagsapit ng dilim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.