WATCH:Taxi, bumangga sa concrete barrier sa Commonwealth Ave., 3 sugatan; trailer truck, sumalpok sa poste sa Marcos Highway

By Justinne Punsalang November 03, 2017 - 04:02 PM

Lima ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente Commonwealth Avenue, Quezon City at Marcos Highway sa Antipolo.

Bumangga sa isang concrete barrier ang isang taxi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills kung saan tatlo ang sugatan kasama ang driver ng Espallardo Taxi na si Johnny Oleo.

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center ang mag-inang biktima na sina Lourdes Galarpe at Joseph Mariano matapos magtamo ng head injuries.

Sinalpok naman ng isang 18-wheeler trailer truck ang poste ng ginagawang LRT-2 Extension sa Marcos Highway.

Ayon sa truck driver na si Aron Botilo, papunta sana sila sa Antipolo nang biglang pumutok ang kaliwang gulong sa harap ng truck.

Bigla rin umanong nag-U-turn ang isang sasakyan dahilan para agad niyang tapakan ang preno at mawalan ng control.

Dinala rin sa ospital ang dalawang pahinante ng truck matapos makaramdam ng mga pananakit ng katawan.

WATCH:

TAGS: 18-wheeler trailer truck, Brgy. Batasan Hills, commonwealth avenue, Commonwealth Avenue Quezon City, driver ng Espallardo Taxi na si Johnny Oleo, East Avenue Medical Center, Lima ang sugatan, LRT-2 Extension sa Marcos Highway, Marcos Highway sa Antipolo, 18-wheeler trailer truck, Brgy. Batasan Hills, commonwealth avenue, Commonwealth Avenue Quezon City, driver ng Espallardo Taxi na si Johnny Oleo, East Avenue Medical Center, Lima ang sugatan, LRT-2 Extension sa Marcos Highway, Marcos Highway sa Antipolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.