WATCH: Babaeng umano’y recruiter ng ISIS, itinangging may kinalaman sa Marawi siege

By Chona Yu November 03, 2017 - 10:27 PM

Humarap na sa Department of Justice (DOJ) ang babaeng umano’y recruiter ng teroristang ISIS at Maute group sa Marawi.

Sa preliminary investigation, hindi na nagsumite ng counter-affidavit ang suspect na si Karen Aizha

Hamidon at wala rin itong kasamang abogado nang magpunta sa DOJ.

Itinanggi rin ni Hamidon ang akusasyon na recruiter siya ng terorista at nagpapakalat umano ng radical Islamic propaganda.

Inamin naman ni Hamidon na dati siyang naging asawa ng napatay na teroristang si Mohammad Jaafar Maguid, alyas “Tokboy” at “Abu Sharifa” na dating lider ng Khalifa Philippines at nasa likod ng madugong Davao City bombing noong September 2016.

Aminado rin si Hamidon na na naging asawa rin siya ni Muhammad Shamin Mohammed Sidek na isang Singaporean na may koneksyon sa ISIS.

Narito ang report ni Chona Yu:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.