Mga tauhan ng PCG na sumabak sa giyera sa Marawi binigyan ng spot promotion

By Chona Yu November 03, 2017 - 12:12 PM

Ginawaran ng spot promotion o one rank higher ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 40 personnel na
sumabak sa giyera sa Marawi City.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, Coast Guard Merit Medal sa ibang opisyal at
Distinguished Coast Guard Cross Medal para sa limang officer ang ibinigay ng PCG.

Ayon kay Balilo, dalawang linggo lamang na magpapahinga ang 123 na PCG personnel na sumabak
sa giyera at agad ring babalik sa Marawi dahil sa magtatayo na sila roon ng istasyon ng Tanod
Baybayin ng Pilipinas sa may bahagi ng Marantao.

Mayroon din aniyang dalawang high speed boat mula sa Japan ang darating sa susunod na linggo at
ilalagay sa Marawi.

Sinabi naman ni Commodore Joel Garcia, OIC ng PCG, na ikinararangal niya na malaki ang
naging kontribusyon ng Tanod Baybayin ng Pilipinas sa paglaban sa mga terorista sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.