Concert ni Rain sa Pinas, kanselado

Credit YeppunonniePH and Ouniwang

Kanselado ang concert sa Pilipinas ng Korean King of Pop na si Rain.

Nag-sorry ang producer ng “Rise 2 Shine” Benefit concert na nakatakda sanang maganap sa Araneta Coliseum ngayong gabi.

Ayon sa producer, huli na nang malaman niya na hindi nabayaran nang buo ang talent fee ni Rain dahil sa pagba-back out ng mga investors at sponsors sa Korea.

Una nang inanunsyo sa opisyal na website ni Rain na kanselado at rescheduled ang kanyang benefit concert dahil hindi umano nasunod ng organizers ang kanilang kontrata.

Hindi naman binanggit sa announcement kung kailan gaganapin ang nasabing benefit concert ni Rain dito sa Pilipinas na sinasabing mapupunta ang kinita sa mga biktima ng krisis sa Marawi.

Read more...