Binangungot na inmate ng Quezon City Jail, idineklarang patay

By Justinne Punsalang November 03, 2017 - 08:53 AM

Patay na ang isang inmate ng Quezon City Jail matapos itong bangungutin kaninang madaling araw.

Kinilala ang inmate na si Edmundo Domondon na miyembro ng Bahala na Gang.

Ayon sa mayor ng Bahala na Gang, ginising siya ng isa sa mga miyembro ng kanilang grupo para sabihin na binabangungot si Domondon. Agad silang kumilos para sabihin ito sa mga pulis na bantay sa kulungan at sa kanilang pagmamadali ay hindi nila sinasadyang nasagi at natapon ang lamang tubig ng isang balde sa mga natutulog na miyembro ng Batang City Jail.

Ito ang naging mitsa ng riot na naganap sa loob ng City Jail dahil sa pag-aakala ng Batang City Jail group na sinadya ang pagtatapon ng tubig.

Samantala, dalawa naman ang sugatan dahil sa kaguluhan. Isa dito ang miyembro ng Bahala na Gang, habang ang isa naman ay ang nadamay lamang na miyembro ng Sputnik Gang.

TAGS: 2sugatan sa riot, Bahala Na Gang, Batang City Jail, Binangungot na inmate, natapunan ng tubig, patay, Quezon City Jail, riot, 2sugatan sa riot, Bahala Na Gang, Batang City Jail, Binangungot na inmate, natapunan ng tubig, patay, Quezon City Jail, riot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.