Sa nasabing insidente, sinagasaan ng 29-anyos na suspek na si Sayfullo Saipov ang mga naglalakad at nagbibisikleta sa Lower Manhattan, bago nito ibinangga ang nirentahang pick-up truck sa isang school bus.
Ang tweet ni Trump ay matapos nitong mapag-alaman na hinihiling pa ng naarestong terror suspect na si Saipov, na payagan itong maglagay ng watawat ng ISIS sa loob ng kanyang hospital room.
Ayon kay Trump, dapat ay mapatawan ng parusang bitay si Saipov dahil nagawa nitong pumatay ng walong inosenteng sibilyan at makasugat ng labindalawang iba pa.
Batay sa record ng FBI, masaya pa ang Uzbek immigrant sa kanyang ginawang karumal-dumal na krimen.
Matapos maaresto at madala sa ospital, hiniling pa umano nito na ipaskil sa pader ng kanyang kuwarto ang watawat ng ISIS.