Mga opisyal ng DBM, nais paimbestigahan ng COA dahil sa Malampaya fund anomaly

By Kabie Aenlle November 03, 2017 - 03:14 AM

 

Nanawagan ang Commission on Audit (COA) ng agarang imbestigasyon sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang mga ahensya dahil sa umano’y maling paggamit ng P36.288 bilyong royalties mula sa Malampaya gas fields mula 2004 hanggang 2012.

Sa report na inilabas ng Sectoral Performance Audit ng COA, nakasaad na maaring maituring na hindi tama ang paglalabas ng DBM ng pera mula sa Malampaya funds para sa iba’t ibang ahensya.

Sakop ng nasabing audit ang mga pondo na inilabas hindi para sa mga “energy development-related purposes” kundi para sa iba pang mga bagay na otorisado umano ng Presidente.

Matatandaang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ganitong gawain noon pang November 2013.

Bukod sa pagiging unconstitutional ng mga pinaggamitan ng pondo, ibinunyag rin ng mga auditors ang tahasan umanong paglabag sa mga batas at regulasyon na nauwi sa paling paggamit ng pondo.

Isa sa mga sinita ng auditors ay ang kakulangan ng mga documentary requirements para mapatunayan ang basehan sa paglabas ng P36.288 bilyong pondo sa 62 na implementing agencies.

Nabigo din anila ang DBM na ipakitang tama ang “propriety” ng mga gagawin nilang proyekto at na rasonable ang hinihingi nilang halaga ng pondo para sa mga ito.

Lumalabas din na mayroong nasa P2.171 bilyong halaga ng pondo ang na-divert sa mga bagay na maliban pa sa mga inotorisahan ng pangulo.

Dahil dito, nais gn COA na magkaroon ng imbestigasyon upang matukoy kung sinu-sinong mga opisyal at empleyado ang responsable sa kwestyunableng paglalabas ng pondo.

Sakali mang kailanganin, iminungkahi rin ng COA na sampahan ng kaso ang mga nasa likod nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.