Magbakasyon habang isinasagawa ang ASEAN Summit – DILG
Hinihikayat ni Department of Interior and Local Government Officer in Charge Catalino Cuy ang publiko partikular ang mga nasa Metro Manila na magbakasyon habang isinasagawa ang 31st ASEAN Summit.
Ang Metro Manila na host ng pagtitipon sa Nobyembre ay inaasahang malubhang maaapektuhan ng mga aktibidad na may kinalaman dito.
Sa isang pahayag na inilabas ng kagawaran, hinihimok ni Cuy ang publiko na magbakasyon at gamitin ang oras upang makasama ang mga mahal sa buhay sa mga idineklarang holiday.
Matatandaang nauna nang idineklara ng Metro Manila Council ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila sa November 16-17.
Sinundan naman ito ng deklarasyon ng Malacañang na ginawang special non-working days ang November 13-15 sa Metro Manila, Pampanga at Bulacan.
Nag-abiso na rin ang mga opisyal sa mga motorist at mga commuter na iwasang dumaan sa mga lugar na isasailalim sa lockdown simula November 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.