‘Ramil’ bumilis habang papalabas ng PAR

By Kabie Aenlle November 03, 2017 - 12:03 AM

 

Mula sa Pagasa

Bumilis pa ang bagyong ‘Ramil’ habang papalabas na sa Philippine Area of Responsibility.

Sa 11:00 PM bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 555 kilometro sa kanluran ng Coron, Palawan.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro bawat oras at pagbugsong nasa 95 kph.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa pagitan ng alas-11:00, Byernes ng gabi hanggang alas 2:00 ng madaling araw ng Sabado.

Bagamat wala nang nakataas na Storm Warning Signal sa alinmang bahagi ng bansa, patuloy pa ring makakaranas ng moderate to occasional heavy rains ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Ito ay resulta ng pinagsamang epekto ng bagyo at northeast monsoon.

Samantala, light to moderate na may posibilidad ng paminsan-minsang heavy rains ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.