Umano’y Maute ‘straggler’ nagtangkang tumakas sa Marawi

By Kabie Aenlle November 03, 2017 - 02:37 AM

 

Kinumpirma ng militar sa Inquirer ang pagtatangka ng isang straggler na tumakas mula sa main battle area sa Marawi City, na nangyari hapon ng Huwebes.

Ayon kay Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, tumalon ang nasabing suspek sa isang kanal malapit sa Grand Mosque.

Kwento pa ni Brawner, nakita ng isang mamamahayag ang isang tao, nasa sampung metro ang layo mula sa kanilang kinaroroonan.

Dahil dito, pinaputukan aniya ng tatlong mga sundalo ang nasabing suspek.

Gayunman, nagawa aniya nitong makapagtago sa isang hinihinalang tunnel.

Wala pa namang ulat kung nahuli na ba ang hinihinalang straggler mula sa Maute Group o nananatili pa rin ito sa kaniyang tinataguan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.