Alyansa ng mga nasa legal sector kontra sa EJK, binuo
Bumuo na ng alyansa ang ilang grupo ng mga law students, huwes at mga abogado upang ikampanya ang pagtigil ng extrajudicial killings sa bansa.
Tinatawag na Mga Manananggol Laban sa Extrajudicial Killings o Manlaban sa EJK, layunin ng alyansa na pag-isahin ang mga hakbang ng nasa legal sector bilang pagkontra sa pag-shortcut sa due process.
Ilan sa mga miyembro ng grupo sina dating Senador Rene Saguisag; dating Quezon 4th District Rep. Erin Tañada III; University of the Philippines at Lyceum of the Philippines Colleges of Law Dean Pacifico Agabin; De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel Diokno at maraming iba pa.
Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers President Edre Olalia, isa sa mga convenor ng Manlaban EJK, responsibilidad ng mga abogado na protektahan ang karapatang pantao ng lahat.
Hindi rin aniya dapat idinadahilan na naging positibo ang epekto ng mga extrajudicial killings sa lipunan kung nakuha naman ito sa pamamagitan ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.