Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, mula sa ikaapat na puwesto, nasa ikalimang puwesto na lamang ngayon ang Pilipinas.
Paliwanag ni Andanar na kaya bumaba ang bilang ng karahasan sa mga kagawad ng media ay dahil sa binuong Presidential Task Force on Media Security na pinamumunian ni Undersecretary Joel Egco.
Sinabi pa ni Andanar na patunay ito na hindi kinukunsinti ng administrasyong Duterte ang anumang mga insidente ng karahasan at pagpigil sa kalayaan ng paghahayag ng media.
Pangunahin aniyang mandato ng Presidential Task force on Media Security ay protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng sinumang mamamahayag at kaniyang pamilya.
Ginawa ng CPJ ang kanilang pag aaral, mula Setyembre-1 2007 hanggang Agosto 31, 2017 sa bawat bansang mayroong lima o higit pang unsolved cases ng pagpatay sa media sa sampung taong panahon.
Ayon kay Andanar, base sa pag aaral ng PTFOMS, karamihan sa naganap na media killings na nakita ng CPJ ay mga biktima ng 2009 Maguindanao Massacre.