6 na mangingisda na 2 araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip sa Ilocos Sur

By Rohanisa Abbas November 02, 2017 - 11:28 PM

 

Naisalba ang anim na mangingisda na napaulat na nawawala simula noong Martes sa karagatan ng Cabugao, Ilocos Sur.

Dakong 7:30 Huwebes ng umaga, namataan ng mga mangingisda sina Alejandro Escalona Jr., Rey Etrata at Bryan Cuaresma na nakakapit sa kanilang tumaob na bangka sa West Philippine Sea.

Kahapon, sinagip din ng cargo ship na Kerrisdale sina Nilo Etrata, Norlex Bragado at Jun Collo.

Ito ay matapos silang mamataan na winawagayway ang kanilang mga damit sa karagatang bahagi ng Cabugao.

Ayon kay PO3 Dennis Pascua, imbestigador ng Cabugao police, pumalaot ang mga biktima mula sa Barangay Gabao sa bayan ng Santiago sakay ang dalawang bangka dakong 5:00 ng umaga nang Lunes.

Bigo silang bumalik nang tanghali matapos salubingin ng maalon na dagat, at pumalaot pa-hilaga.

Sinabi ni Pascua na paulit-ulit silang nagpapaalala na huwag pumalaot sa tuwing may gale warning na nakataas, ngunit hindi sumunod ang mga biktima.

Noong Lunes, naglabas ng gale warning ang PAGASA sa hilagang Luzon at pinayuhan ang mga bangka na huwag nang pumalaot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.